Sharon, inoperahan uli

Tempo Online
1 Min Read

By Delia Cuaresma

Kalalabas lang ng ospital ni Sharon Cuneta makaraang dumaan ito sa operasyon.

Ibinahagi ito ng Megastar sa kanyang mga fans Martes sa pamamagitan ng Instagram, kung saan nag-post siya ng litrato ng kanyang kanang kamay. May takip na bulak ang isang parte nito.

sharon

Ani Sharon, “This is just a photo of my right hand after my I.V. had been removed. I just got home after my second lipoma surgery.”

Ang lipoma ay isang non-malignant tumor na gawa sa taba. Madalas itong matagpuan sa batok, likuran, balikat at tiyan.

Matatandaang sumailalim sa parehong operasyon ang beteranang aktres-singer nitong Abril lamang.

Kuwento ni Sharon mas malaki ang bukol na tinanggal sa kanya ngayon.

“I still have a drain attached which they will remove tomorrow. Please say a prayer for me,” dagdag niya.

TAGGED:
Share This Article