Government employee patay sa pamamaril

Tempo Online
1 Min Read

By Lyka Manalo

Batangas City, Batangas – Kamatayan ang sinapit ng isang empleyado ng Batangas Capitol ilang minuto makalipas mag-post ng thank you messages para sa mga kaibigan na bumati sa kanyang kaarawan nitong Huwebes.

Ayun sa pulisya, bumibili si Mheruz Marasigan, 23, ng pagkain sa may Tolentino Road, Barangay Kumintang dito, nang ito’y barilin ng isang lalaki na dagling tumakas lulan ng isang puting van.

Naitakbo si Marasigan sa Batangas Medical Center nguni’t kalauna’y binawian din ito ng buhay.

Si Marasigan ay naka-assign sa Office of Senior Citizens Affairs ng Batangas.

Share This Article