Angelica Hart, ayaw na rin maghubad!

Tempo Desk
1 Min Read

By DELIA CUARESMA

Nakupo! Tiyak na ikalulungkot ng mga barako ang bago naming chika!

Isa pang VMX star ang ayaw na raw gumawa ng mga role na nangangailangan ng paghubad.

Ito ay walang iba kung hindi ang innocent and virginal looking nymphet na si Angelica Hart!

Ibinahagi niya ito sa kanyang pagharap sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Hindi naman ibig sabihin nito na tuluyan na niyang tatalikuran ang sexy roles.

“Maybe I can be a sexy comedienne or a sexy action star,” ani Angelica.

Naku huh! Gaya-gaya kay AziAcosta?

Ang pahayag ni Angelica ay kasunod ng naunang pag-anunsyo ng kapwa VMX actress na si Azi Acosta na iiwan na nito ang sexy films.

Hindi pa malinaw kung tuluyan nang iiwas si Angelica sa mga proyektong may sexy roles.

Sa ngayon, napapanood siya sa seryeng “Taskforce Firewall.”

 

Share This Article