Kathryn Bernardo, umamin na kaya?

Tempo Desk
2 Min Read

By ROWENA AGILADA

Same age lang pala sina Kathryn Bernardo at Kaila Estrada. Same birth month din.

Kaila celebrated her 30th birthday last March 16. Turning 30 si Kathryn on March 26.

Pinangunahan ni Daniel Padilla ang pagbati kay Kaila na may dala pa siyang birthday cake habang kinakantahan si Kaila ng kanyang wellwishers ng birthday song.

Present ang kanyang family and close friends sa kanyang celebration.

Sa isang bahagi ng video ay kumakanta si Kaila. First birthday celebration niya ‘yun with Daniel na hindi maikakailang happily in love sila with each other. No need ng kanilang official statement sa estado ng kanilang relasyon.

Abangers naman ang netizens kung ano’ng ganap sa birthday ni Kathryn. Umamin na kaya sila ni Mayor Mark Alcala sa estado ng kanilang relasyon?

Close

Super close na talaga sina Onemig Bondoc at Andre Yllana, anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Tito Onemig ang tawag ni Andre sa jowa ng kanyang mommy Aiko.

Nakaka-good vibes panoorin na magkakasama silang tatlo sa YouTube vlog ni Onemig. Halatang komportable sa isa’t isa sina Onemig at Andre kung magbiruan sila. Iprinomote pa ni Onemig ang show ni Andre sa Viva One, ang “Hell University.”

Sa mediacon nga nito’y sinabi ni Andre na suportado niya ang relasyon ng kanyang mommy at Tito Onemig. “Enjoy lang,” ani Andre.

Request ng netizens, sana raw ay mapanood nila sa vlog ni Onemig na kasama naman nila ni Aiko ang mga anak ni Onemig sa kanyang ex-partner at ang mga anak ni Aiko na sina Andre at Marthena.

Kasal na nga lang ang kulang sa relasyon nina Aiko at Onemig.

 

Share This Article