Gil Cuerva, may inamin tungkol sa kumalat na malaswang video!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Binasag na ng aktor na si Gil Cuerva ang kanyang pananahimik tungkol sa lumabas na sex video niya sa social media kamakailan.

Nitong Huwebes, March 5, ibinahagi niya sa kanyang Instagram page ang kanyang opisyal na pahayag hinggil sa isyu.

Ayon sa kanya, ang naturang video ay ni-record ng walang pahintulot.

“The video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment,” diin niya.

Igniit niya na ang pagbabahagi nito ay paglabag sa kanyang privacy at maituturing na isang krimen.

Nagpaabot ng pasasalamat ang actor sa kanyang pamilya at mga kaibigan na nagpakita ng suporta sa kanya sa kabila ng pinagdaraanan.

“Thank you to my friends and family who reached out with support during this time, and thank you to those who spoke up to defend my name,” sey niya.

“That’s all that really needs to be said. I’m okay, I’m fine, and life goes on,” dagdag pa ng aktor.

Bago ang pahayag, nauna nang dumipensa ang kanya ang ex-girlfriend na si Lexi Gonzales.

“Disgusting how some people are like flies who flock on other people’s dirty laundry. You guys are absolute scum of the Earth.

“Spreading false information and manipulated content of someone is punishable by law. Kadiri kayo. Repulsive. You wouldn’t know what that means kasi nothing disgusts you,” hirit ni Lexi.

Tahimik pa rin ang ilan pang sangkot sa isyu kasama na sina Ron Angeles at Nikko Natividad.

 

 

 

TAGGED:
Share This Article