By JUN NARDO
Napag-usapan ang isa sa pitong anak ng veteran character actor na si Archie Adamos dahil sa father role niya sa LGK Films na “Pater Noster” na tumatalakay sa relasyon ng isang mag-ama.
Naibahagi ni Archie na isang LGBT member ang anak niyang babae na ang tawag nga niya e “balaki” o babae at lalaki sa babaeng katauhan.

“Suportado ka naman siya kung saan siya maligaya,” aniya.
Kuwento pa ni Archie, e maliit pa lang ang anak e, napansin na niya ang kakaibang kilos nito.
“Napansin ko ‘yung noong kabataan niya. ‘Nung una, may mga lalaki siyang kasama kapag umuuwi sa bahay. Pero nung tumagal, may mga babae na at ang pakilala niya sa isang classmate na babae, ‘girlfriend ko!’ Tumahimik na lang ako. Normal lang naman ang relasyon namin. Basta walang inaagrabyado, walang problema sa akin,” rason ni Archie.

Impressive ang trailer ng movie kung saan si Aaron Villaflor ang lumabas na anak ni Archie mula sa direksyon ng Syrian-American na si Moutaz Katrob at mapapanood sa sinehan sa March 25.
Isang magaling na aktor si Archie na minolde ng magagaling nating director.
Pinili!
Mismong ang director na si Rommel Galapia Ruiz ang pumili sa dating child actor na si Zaijian Jaranilla para isabuhay si Father Rhoel Gallardo sa documentary na “Seeds of Peace, The Life of Father Rhoel Gallardo” dahil umano sa malalim at tahimik niyang pagkatao.

Ayon sa director, “When you look at him, there’s certain gentleness in his presence – an aura that suggests patience, humility and a spirit that is slow to anger. Bagay na bagay siya bilang Father Rhoel sa docu na ginawa namin.”
Aprubado rin ng Claretian Missionaries at family ni Father Rhoel si Zaijian.
Interesting ang docu na may interviews sa mga taong nakakakilala sa martir na pari, na nagtanim ng love, peace at sacrifice sa Basilan, Mindanao.
Ilalabas sa mga sinehan sa March 20 ang documentary. Available din ito for block screening.
