By ROWENA AGILADA
Ipinapasa-Diyos na lang ni Derek Ramsay ang nangyaring hiwalayan nila ni Ellen Adarna.
Aniya sa friend niyang vlogger na si Morly Alinio, pinili niyang manahimik na lang at huwag magsalita kaugnay sa mga akusasyon laban sa kanya ni Ellen.
Ani Derek, nasaktan siya at iniyakan niya ang nangyari sa relasyon nila ni Ellen.
“I was lost. Talagang lubog ako,”ani Derek.
Aware siyang kontrabida siya sa mata ng publiko dahil sa mga akusasyon sa kanya ni Ellen. No comment na lang siya out of respect.
Hindi rin niya sinagot ang tanong ni Morly kung gumawa ba siya ng paraan para maayos ang problema nila ni Ellen. Ayaw niyang magsalita dahil baka ma-misinterpret lang siya.
Ani Derek, matagal na silang may problema ni Ellen. Pero hindi na siya nag-elaborate. Siguro raw ay kinatok lang si Lord dahil may mga wrong decision siya. Nakalimutan niya si Lord.
Thankful si Derek na may support system siya at parating andyan ang kanyang family,most especially his parents. Pinalaki siya ng mommy niya na may pananalig sa Diyos and strong. Nagsisimba siya at nagpi-pray kay Lord. Nangungumpisal din siya, ayon kay Derek.
Nagkulong
Aniya pa, noong dumadaan siya sa matinding pagsubok ay mag-isa lang siyang tumira sa isang one bedroom condominium. Nagkulong siya doon. Hindi siya lumalabas at wala siyang gustong kausapin, kahit ang parents niya.
Maraming beses siyang umiyak dahil sa hiwalayan nila ni Ellen.
Nakatulong kay Derek ang UK vacation niya kasama ang anak na si Lilli, his parents at ibang relatives. Nakapag-reflect siya sa mga bagay-bagay.
He is moving-on, trying to renew himself. Focused siya sa kanyang trabaho and his family, sa pag-go-golf. Ayaw niya ng problema. Ayaw niya ng gulo.
Aniya, “Life is up and down. Be strong. I’m at peace now.”
