Inday Barretto, pumanaw na!

Tempo Desk
1 Min Read

By DELIA CUARESMA

Nagluluksa ang pamilya Barretto kasunod ng pagpanaw ng family matriarch na si Estrella “Mommy Inday” Barretto, Huwebes, January 29.

Siya ay 89 taong gulang.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Joaquin “JJ” Barretto sa social media.

“Rest in peace, Mom. I love you,” mensahe ni JJ kalakip ang larawan ng isang nakasinding kandila na may black background.

Naka-blur ang mukha ni Mommy Inday sa larawan kunsaan makikita sa tabi ni JJ ang bunsong kapatid na si Claudine Barretto.

“Get well, Mom [praying emojis],” caption niya sa post.

Hindi pa batid sa ngayon ang naging sanhi ng pagkamatay ni Mommy Inday.

Share This Article