By DELIA CUARESMA
Mariing itinanggi ng abogado nina Rhian Ramos at Michelle Dee ang reklamong pambubugbog na isinampa sa kanila ng isang lalaking nagpakilalang personal assistant at driver diumano ni Rhian na si Alyas Totoy.
Aniya, handa raw harapin nina Rhian at Michelle si Alyas Totoy sa tamang panahon.
Giit ni Garduque, wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo ni Alyas Totoy.
Nitong Miyerkules, January 28, lumabas ang ulat patungkol sa pagrereklamo ni Alyas Totoy laban kina Michelle at Rhian.
Ayon sa salaysay ni Alyas Totoy, paulit-ulit umano siyang sinaktan at “tinortyur” nina Michelle at Rhian sa loob ng condo ng huli noong January 17.
Ito ay dahil diumano pinipilit siyang umamin sa reklamong pagnanakaw.
Sangkot din sa reklamo ang dating beauty queen na si Samantha Panlilio, dalawang bodyguard ng aktres, pati na rin ang dalawa pang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na hindi pinangalanan.
Nasa pangangalaga ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa kasalukuyan si Alyas Totoy.
