Talbog silang lahat kay Heart!

Tempo Desk
3 Min Read

By DELIA CUARESMA

Tunay ngang hindi matatawaran ang popularidad at impluwensya ni Heart Evangelista. Aba, nabanggit lang na nakagat siya ng garapata—balita na agad! Hindi lang sa tabloid at broadsheet, kundi pati sa radyo at telebisyon, naging usap-usapan ang simpleng pangyayaring ito sa buhay ng aktres. Saan ka pa?

Sa loob ng ilang dekada, nananatiling isa si Heart sa pinakasikat at pinaka-maimpluwensiyang celebrities sa bansa. Nagsimula bilang aktres at singer, pero kalaunan ay naging isang global fashion and lifestyle icon. Siya ang itinuturing na OG local celebrity na regular na iniimbitahan ng mga prestigious fashion brands para isuot ang kanilang creations sa iba’t ibang fashion weeks sa Europe.

Hindi biro ang kinikita ng influencers sa ganitong events, lalo na kung mataas ang kanilang Media Impact Value (MIV). Patunay dito ang mga datos: ayon sa Favikon, pasok si Heart sa Top 8 ng “Top 20 Instagram Influencers in the Philippines in 2026” batay sa reach, growth, at engagement. Samantala, base naman sa infludata.com, siya ang Rank 1 sa “Top 20 from Manila on Instagram Influencers by Follower Growth.”

Ang mga numerong ito ay malinaw na ebidensya na talento, ganda, at walang sawang sipag ang nagdala kay Heart sa tuktok. Hindi rin nakapagtataka na isa pa rin siya sa pinaka-in-demand na brand endorsers ngayon, habang patuloy na dumarami ang kanyang fans at supporters.

Kamakailan lang ay nagkaroon pa siya ng bagong “sister” sa katauhan ng bagong abogado na si Gabriel Divina, anak ni UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina.

Sa X (dating Twitter), ikinuwento ni Gabriel ang una nilang pagkikita ni Heart, kung saan pabirong sinabi umano nito na mukha silang magkapatid. Nag-post pa siya ng twinning photo nila suot ang leopard-printed coats.

May pahapyaw din siyang mensahe para sa mga kumukwestyon sa kakayahan ni Heart na bumili ng mamahaling luxury items. Ayon kay Gabriel, kung kaya ito ng kapwa influencer na si Mimiyuuuh, mas lalong kayang-kaya ito ni Heart Evangelista.

Like Heart, mahilig din si Gabriel mag-post ng kanyang OOTDs. Matapos pumasa sa 2025 Bar Exams, pabiro niyang sabi, mas may dahilan na raw siyang bumili ng mas maraming Saint Laurent suits—kailangan daw kasing maging fresh para sa clients. Charot man o hindi, bongga talaga.

Share This Article