By DELIA CUARESMA
Mainit na pinaguusapan ngayon sa social media sina Skusta Clee at Jhoanna ng BINI.
Ito ay dahil diumano e, magkasama ang dalawa na nagbakasyon sa Vietnam kamakailan.
Hindi sila ang nagsabi nito. Ang mga dalahira lamang sa social media ang nagpupumilit na legitimo ang tsismis na ito.
Ang basehan nila e, ang magkaibang post ng dalawa na diumano’y kuha sa mga parehong lugar.
Ang tsismis e, may “secret relationship” na nga daw itong dalawa!
O, diba? Ang bilis mag-conclude ng mga marites kahit sa gatiting na “pruweba.”
Ang siste, base sa mga komento e, hindi sila boto sa bagong “love team” na ito.
Ani nga ng isa kay Jhoanna: “Chaka ng taste.”
Hirit pa ng isa: “BINI ka na tapos pinapatos mo mukhang mabaho hahahaha”
Walang denial o confirmation mula kay Jhoanna as of writing.
Pero may ni-repost siya sa X sa kasagsagan ng usap.
“What keeps my heart strong is knowing that God knows my heart.”
“People can say whatever they want, they can make stories or judge without knowing the truth but at the end of the day, God sees everything and that’s enough for me.
“Kasi as long as my intentions are pure and my heart is right, I don’t have to explain myself to anyone,” ang buong pahayag niya.
Hindi ito enough sa isang fan na ang sabi e, “Mahirap bang sabihin na ‘hindi kami?’ O sadyang mas mahirap umamin na kayo nga?”
Naka-turn off naman ang comments section sa IG post ni Skusta Clee kaya walang nakapag-react sa kanyang mga posts.
Bago ma-link kay Jhoanna, nakarelasyon ni Skusta Clee ang Vivamax actress na si Ava Mendez.
May anak din siya sa content creator na si Zeinab Harake, na nagpakasal na sa Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.
