Maja, ipinakita na ang mukha ng anak!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

May magandang regalo ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez sa madlang pipol sa pagpasok ng 2026!

Isinapubliko na nila finally ang mukha ng kanilang anak na si Maria sa pamamagitan ng isang social media post.

Take note, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa ito ng aktres.

Ipanganak niya si Maria noon pang June, 2024.

Sa aming panayam noon kay Maja, tinanong naming siya kung bakit ayaw niyang ipakita sa publiko ang anak. Aniya, ito ay para sa interes na rin ni Maria. Gusto lang nila protektahan ang bata sa mapanuring mata ng publiko.

“Pero huwag kayo mag-alala. Hindi naman name siya ipagdadamot forever. In the right time,” aniya pa.

Well, dumating na nga ang right time para kay Maria.

Sa post, kung saan kitang-kita kung gaano kaganda si Maria, may meaningful caption si Maja.

“To our Maria, posting this one and only photo para ipakita namin sa buong mundo kung gaano kami ka proud sa pinakamalaking blessing na natanggap namin,” sey niya.

“Pangako ni Mama and Dada na proprotektahan ka namin at ang privacy mo kahit anong mangyari anak. So when the time comes may choice ka kung paano mo gusto makilala ng mga tao,” dagdag niya.

“We love you much anak!”

Siyempre pa, bumuhos ang mga comments mula sa mga followers niya. Lahat sila, iisa ang sambit: Napakaganda ni Maria.

Ang ilan sa mga ito:

“Napakagandang bata.”

“So cute!”

“Manang mana sa Mommy!!!”

 

Share This Article