Ivana, gusto na mag-asawa!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

29 na si Ivana Alawi at may bago siyang pangarap na gustong makamit:  Ang magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Inamin niya ito sa panayam ni Karen Davila, na inilabas sa YouTube sa mismong kaarawan niya, Dec. 25.

Matapos hipan ang kandila sa kanyang birthday cake, tinanong ni Karen si Ivana kung ano pa ang maaari niyang hilingin sa kabila ng tagumpay na natamo niya sa mga nakaraang taon.

“Siguro gusto ko na ng sarili kong pamilya,” mabilis na sagot niya. “Sa lalong madaling panahon.”

At para maisakatuparan ito, naghahanap na ngayon ang dalaga ng “isang mapagmahal at tapat na asawa.”

Huwag daw magalala at susuklian niya ito ng todo-langit na pagmamahal at sanrekwang anak!

Yes, gusto ni Ivana ang maraming kids.

Wait, wala man lang ba siyang suitors?

Marami for sure, pero ani Ivana mahirap hanapin ang tipo niya.

Ayon sa aktres, mahalaga para sa kanya ang katapatan, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa pamilya.

Ipinaliwanag ni Ivana na ang mga pamantayang ito ay bunga ng kanyang mga karanasan, dahil dalawa sa dating naging nobyo niya ang nagtaksil sa kanya.

“Ang lalaki, kapag siraulo, lolokohin ka,” dagdag pa ni Ivana. “Kahit ano pa ang itsura mo, kung wala silang contentment at loyalty—hindi ka talaga nila pinahahalagahan at pati ang nararamdaman mo, lolokohin ka nila.”

Ngayon pare, kung ikaw ay may angking katapatan, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa pamilya e, huwag nang magpatumpik-tumpik pa – hanapin mo na si Ivana. Malay mo, baka ikaw na ang kanyang hinahanap na Mr. Right!

Yun na!

 

TAGGED:
Share This Article