OMG! Loisa Andalio, may Christmas surprise — buntis siya!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Ginulat ng Kapamilya sweetheart na si Loisa Andalio ang kanyang mga fans, December 25, sa kanyang pasabog reveal: Mga litrato ng kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng mister na si Ronnie Alonte!

Sa isang heartfelt na Instagram video, ipinakita ni Loisa ang kanyang baby bump habang nagce-celebrate ng Pasko kasama si Ronnie.

 Agad sumabog ang social media, siyempre!

Pinuno ng mga congratulatory messages at heart emojis mula sa mga fans at kapwa celebrities ang comment section.

Hindi rin nakalimutang ipahayag ni Loisa ang kanyang pasasalamat sa caption: “Baby Jesus, thank you so much for the biggest blessing You have given me and R2. You trusted us with a miracle we’ve been quietly holding close to our hearts.”

Aniya pa, ibang klase ang pagmamahal na nadama nila ngayon—isang pagmamahal sa isang taong hindi pa nila nakikilala.

Tinawag nilang “miracle” at answered prayer ang kanilang baby, na lalong nagpahalaga sa kanilang Pasko.

Chika alert! Nauna nang may kumalat na tsismis tungkol sa pagbubuntis ni Loisa matapos itong mabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang vlog. Ito ay bago pa man opisyal na inihayag ni Ronnie ang kanyang proposal.

At syempre, hindi rin mawawala ang milestone nila: ikinasal ang dalawa noong Nobyembre, ilang araw lang matapos ang engagement announcement.

Ngayon, dagdag milestone na naman ang pregnancy!

Well, whatever the case maybe, tiyak na punumpuno ng pagmamahal ang 2026 ng couple na ito.

Yun na!

 

Share This Article