By DELIA CUARESMA
Aminado si Herlene Budol na napahiya siya matapos ayawang maging ninang ng dinadalantao ng kaibigang si Bea Borres.
Pero hindi naman daw sumama ang loob niya sa kaibigan. Naunawaan naman niya ang desisyon nito.
Ang explanation daw ni Bea kay Herlene ay “Puno na yung listahan niya.”
“Ako naman e, naapektuhan lang ako nu’ng nagkwekwentuhan kami na parang gusto ko mag-ninang hindi dahil sobrang close namin.

“Gusto ko mag-ninang kasi parang kulang siya ng protector. Kulang siya ng taong, hindi man yung magga-guide, yung poprotektahan siya with or without camera, bilang isang kaibigan,” paliwanag pa ni Herlene.
Patuloy pa ng dalaga, “Hindi naman ako nasaktan. Napahiya lang ako.
“Hindi ko nga siya iniisip e…Hanggang sa paulit-ulit na lang na may nagtatag sa akin na dapat hindi ka pala nagvovolunteer kapag may ganoon klase ng bagay… Natutunan ko yun sa issue na yun na parang wag kang magbo-volunteer,” saad ni Herlene.
Paglilinaw pa niya, “Ako hindi ako naging against sa naging sagot niya sa akin. Hindi sumama yung loob ko. Mas naiintindihan ko nga yun, eh.”
Ayon naman kay Bea, maayos pa rin ang pagkakaibigan nila ni Herlene.
Hindi nga raw naging malalim na usapin ang isyu sa kanilang dalawa.
