By DELIA CUARESMA
Bongga talaga itong si Andrea Brillantes, mga mars!
Aba’y kahit Disyembre na, summer vibes pa rin ang hatid nito sa mga followers sa social media!
Sa kanyang most recent post, binigyan niya ng maagang pamasko ang mga fans displaying her curves in a sexy photoshoot!
Trending sa socmed ang kanyang latest picture na kuha sa Elyu, huh!

Makikita rito ang seksing dilag suot ang electric blue two-piece swimsuit at may nakaipit pang orange gumamela sa kanyang tenga!
Ang ganda ng kuha – lutang na lutang ang kaseksihan ni Andrea sa backdrop ng napakagandang sunset at dagat.
Hindi nakaligtas sa pansin ng netizens ang kanyang charm at ganda; halos pare-pareho ang komento, si Andrea raw ang Marimar ng Gen Z.
Marami pang fans at casual viewers ang nagpo-petisyon sa TV5 na gawin na ang remake ng iconic na serye na “Marimar.” Sigurado raw na patok ito dahil sa angking ganda at talento ni Andrea.
Hmmm….
Hindi na bago ang “Marimar” sa Pilipinas – noong 2007, si Marian Rivera ang gumanap sa remake, at noong 2015 ay muli itong ni-remake kung saan si Megan Young ang bida.
Matagal na rin palang walang bagong “Marimar” sa telebisyon, kaya’t tanong ng mga netizens: puwede na kaya si Andrea ang bagong gaganap sa karakter na pinasikat ni Thalía?
Sa ganda, charisma, at popularity niya ngayon, we agree! Parang swak na swak siya sa iconic role.
Yun na!
