Jasmine, sinagot ang ‘retoke’ isyu!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Mainit na naman ang uling sa social media, at this week, si Jasmine Curtis-Smith ang sinasaing ng mga marites.

Kung pakikinggan ang internet, para bang malaking “misteryo” ang nangyaring pagbabago sa hitsura ng kapatid ni Anne Curtis—mula sa mukha hanggang sa katawan, pinagpistahan!

May nagsabing “iba raw ang tabas” ng kanyang muka sa mga bagong litratong naglabasan. May iba namang mabilis magkonklusyon na “bloated” siya—kaya naman kumalat ang walang kamatayang tanong: Nagparetoke ba si Jasmine? At mas malala: Buntis ba siya?

Hindi na nag-antay ang aktres. Diretsahan niyang sagot sa X: wala siyang ipinagawa sa mukha. Walang retoke, walang sikreto.

Simple lang ang kanyang paliwanag: “I gained 6kgs from a recent trip to Australia and have been crying on and off for a few days. Hope this settles your curiosities.”

Pagod na si Jasmine sa paulit-ulit na usap: tumaba ng konti—buntis daw; pumayat ng konti—may eating problem naman.

Sabi pa niya, hindi raw niya sinusubukang kumbinsihin ang lahat, pero nakaka-drain talaga basahin ang kung anu-anong hirit tungkol sa katawan niya.

Syempre, hindi nagpahuli ang kanyang supporters. Sa comments, may nagbiro pa: “Hindi sila sanay na lalo kang gumaganda, kaya inisip nilang may pinagawa ka.”

May nagpa-hug, may nagpa-remind na celebs are always “fair game” sa mga walang magawa, at meron pang pasimuno ng asim-sarcasm: “Just ignore them… unless gusto mong maging relevant kaya ka nag-post!”

Beyond the chika, kilala rin si Jasmine bilang hindi takot tumindig sa mga isyung pambayan. Kamakailan lang, nakiisa siya sa protesta laban sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Mapapanood siya sa 2025 Metro Manila Film Festival sa pelikulang “Manila’s Finest.”

 

Share This Article