Ang inaasam ni Anne Curtis bago ang Pasko

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Kabiláng sa mga umaasang may makukulong na mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa malawakang korapsyon bago sumapit ang Pasko ang actress at TV host na si Anne Curtis.

Sa kanyang X account, ni-repost ni Anne ang post ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno, na nagtatanong kung may makukulong na ba sa mga “big fish” ng nakawan at katiwalian sa bansa.

Halos ramdam ng marami ang inis ni Anne sa matagal na imbestigasyon na tila wala pang konkretong aksyon.

Sa caption niya, nagbiro siya, “I was just thinking this! Hahahaha! Graaaaaaaabe talaaaagaaaa.”

Malapit na ang Pasko, ngunit hanggang ngayon ay puro imbestigasyon pa rin ang nangyayari.

Tanong ni Diokno, “Anuna? Mga big fish, wala pa rin? December na… May magpapasok na ba sa kulungan?”

Nagbigay naman ng kani-kanilang reaksyon ang netizens.

May ilan na nagbiro, “Wag ng umasa pa!” habang may iba na nagbanggit ng mga pangalan ng kilalang personalidad na dapat nasa kulungan na.

Samantala, kamakailan ay muling nagpahayag ng babala si Pangulong Bongbong Marcos laban sa mga opisyal na sangkot sa korapsyon, kabilang na ang mga maanomalyang flood control projects ng DPWH.

Ayon kay PBBM, “Alam ko, bago mag-Pasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko, matatapos na ‘yong kaso nila, buo na ‘yung kaso nila, makukulong na sila… Wala silang Merry Christmas, before Christmas makukulong na sila.”

Share This Article