By DELIA CUARESMA
Usap-usapan ngayon ng madlang pipol ang tila biglaang pag-iisang-dibdib nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Nabigla nga ang karamihan matapos nilang ipasilip ang kanilang dreamy wedding photos sa Instagram.
Yes, mga ka-marites, kasal na sila!
Sa isang IG post, proud na proud na ibinahagi ni Ronnie ang mga kuha mula sa wedding ceremony. Simple lang pero punong-puno ng feels ang peg.
Mas lalo pang kinilig ang netizens sa maikli ngunit super sweet na caption ni Ronnie: “Zup! Mrs. Alonte.”

Ay grabeee, official na official na si Loisa bilang misis!
Batay sa mga kumakalat na TikTok videos, isang outdoor at very intimate wedding ang ginanap. Walang engrandeng eksena, puro love vibes lang kasama ang mga piling kaanak at malalapit na kaibigan ng dalawa.
Tahimik pero ramdam mo ang lalim ng pagmamahalan ng dalawa na parang sinabing, “kami na ‘to, okay na ‘to.”
Marami ang nagulat dahil parang ambilis ng mga pangyayari. Kasi naman, ilang araw pa lang ang nakalipas mula nang ibinalandra nila ang kanilang engagement, diba?
Matatandaang last week lang nang i-flex ni Loisa sa Instagram ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Ronnie, dahilan para magwala sa kilig ang kanilang supporters.
At eto pa ang mas nakakakilig na detalye: mukhang sinadya talaga nilang ipatama ang kasal sa pagdiriwang ng kanilang 9th anniversary bilang magdyowa. Yes mga dzai, November 26, 2016 nang opisyal na naging magkarelasyon ang dalawa.
From jowa to mag-asawa—certified relationship goals! Congrats, Mr. and Mrs. Alonte!
