Bangayang Ellen-Derek, hindi mapigilan!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

“I didn’t cheat. Never! That’s the truth.”

’Yan ang mariing sagot ni Derek Ramsay nang tanungin ng netizen tungkol sa umano’y ibinulgar ng asawang si Ellen Adarna na pambababae niya.

Ayon sa aktor, six months na raw silang hiwalay ni Ellen, pero “three weeks ago” lang daw nalaman ni Ellen ang tungkol sa “girl.”

Pero mabilis sumagot si Ellen.

“Push mo ’yan. There’s your side, there’s my side. There’s screenshots with time and dates. Ako pa ’yung ginawang liar.”

Nagbahagi pa siya ng chat kung saan muling nag-deny si Derek nang tanungin ng netizen kung bakit niya kausap ang “girl” habang sila pa.

Sagot ni Derek: “Tell the girl to come out and tell the truth.”

Hindi nagpatalo si Ellen: “Awat na uy. Deny till you die. It’s your way your truth and your life.”

Hindi roon natapos. Binunyag ni Ellen na madalas na silang mag-away ni Derek bago tuluyang maghiwalay.

“Pinabarangay ko siya twice. Not once but twice,” Dagdag pa niya, may kasunduan silang hindi muna babalik si Derek hanggang sa makalipat siya ng bahay.

Ang mas mabigat aniya, “He blames everything, everyone but himself… He was able to convince his friends and people that it’s my postpartum.”

Kwento pa niya, pati “kulam” idinamay ni Derek sa issue nila na kesyo baka raw pinakulam siya ng isang ex-girlfriend.

Sa tanong kung pwede pa silang magkabalikan? Diretsong sagot ni Ellen: “Hell no! If I knew about this before we got married, NO!”

Kelan kaya titigil ang online bakbakan ng dalawa? Sa korte na kaya? Ano tingin mo mars?

Share This Article