By DELIA CUARESMA
Finally, binasag na ni AJ Raval ang katahimikan kaugnay sa mga haka-haka na isa na siyang ganap na ina at matagal na.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” umamin si AJ na siya nga’y ina na hindi lamang sa isa kung hindi sa limang supling — dalawa sa dati niyang karelasyon at tatlo courtesy of her current partner, ang aktor na si Aljur Abrenica.
Base sa kwento ni AJ, nanay na nga siya habang gumagawa pa siya ng mga sexy films sa Vivamax!

Ibinahagi pa ni AJ ang mga pangalan ng kanyang mga anak: si Ariana (7 years old), si Aaron na pumanaw na sa edad na isa, at sina Alkina, Aljur Jr., at ang bagong silang na si Abraham — na kapareho pa ng birthday ni AJ noong Setyembre 3.
Habang nagsasalita, halatang kabado si AJ, pero ramdam din ang gaan ng loob matapos aminin ang pinakatago-tagong sikreto.
Sabi nga niya, “Wala na akong dapat itago. Gusto kong maging totoo at malaya na rin ang mga anak ko.”
Kasama sa studio ang tatay niyang si Jeric Raval, na todo suporta sa anak.
Ayon kay Jeric, “Mas mabuti nang lumabas ang totoo kaysa itinatago pa.”
Kaya ayan na nga, tapos na ang mga haka-haka. Si AJ Raval — dating Vivamax sexy star — ay isa nang proud mommy of five!
Bongga!
