Huwag basta maniniwala sa text — baka scam na ‘yan!

Tempo Desk
3 Min Read
Mula kaliwa: GCash Public Affairs Manager Mabel M.Niala, GCash External Affairs Manager Jerome C. Lantin, GCash Chief Information and Security Officer Miguel Geronilla, PNP-ACG Director Bernard Yang, and PNP ACG Chief Investigative Officer PCol Jay D Guillermo

Pinaiigting ng PNP ACG at GCash ang tugon laban sa pagdami ng SMS spoofing scam

 

Pinag-iingat ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at GCash ang publiko dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga text scam sa bansa.

Ipinaliwanag ni GCash Chief Information Security Officer Miguel Geronilla na nagkakaroon na rin ng iba’t ibang paraan ang mga scammer sa kanilang cyberattack para dumami ang maging biktima.

Halimbawa, isinaad ni Geronilla na ginagamit ngayon ng mga hacker ang “ayuda” scam para makapangnakaw ng pera mula sa mga biktima. Sa scam na ‘to, nagpapanggap ang hacker na representative ng Department of Social Welfare and Development o Social Security System para sabihing qualified ang recipient na makatanggap ng ayuda.

Huwag itong paniwalaan, paalala ni Geronilla.

Sinusubok lamang ng mga hacker na kunin ang OTP at MPIN upang mabuksan ang GCash account at makanaw ng pera mula sa biktima.

“Habang nagiging mas sopistikado ang mga taktika ng mga scammer, mas lalong dapat tayong maging mapanuri. Huwag basta maniniwala sa mga text o tawag na nanghihingi ng OTP o MPIN—ito ang unang hakbang ng mga hacker para manakaw ang iyong pera,” ani Geronilla.

“Sa GCash, patuloy kaming nakikipagtulungan sa PNP upang masiguro ang kaligtasan ng bawat user laban sa mga ganitong uri ng cyberattack,” dagdag pa niya.

Kaakibat nito, suportado ng GCash ang Anti-Financial Scamming Act o AFASA para maprotektahan ang users at mahuli ang mga scammers sa likod ng pagbili, pagbenta o paggawa ng fake accounts.

Ipinasa noong nakaraang taon ang nasabing batas para mapaigting ang pagsugpo sa mga financial scam, lalo na’t dumarami ang text scam at iba pang uri ng cybercrime.

“Sa GCash, buong suporta namin ang pagpapatupad ng batas na ito dahil pareho ang ating layunin—ang tiyaking ligtas at mapagkakatiwalaan ang bawat transaksyon,” saad ni Geronilla.

Ang kaligtasan ay nasa kamay ng bawat user—maging mapanuri at huwag magpaloko.

Kung sa tingin mo ay nakatanggap ka ng text scam, i-report agad sa [email protected] o tumawag sa GCash hotline 2882.

Maaari ding dumulog sa PNP-ACG hotline (02) 8723 0401 loc 7491.

Share This Article