By DELIA CUARESMA
Mga ka-chika, mukhang hindi pa tapos ang isyu patungkol sa isang eskwela sa Sorsogon!
Ito kasing si Vice Ganda ay humirit diumano muli patungkol dito sa isang segment ng “It’s Showtime” kamakailan!
Habang kinakausap niya ang isang UPLB student na nanalo ng jackpot prize sa “Laro Laro Pick,” napunta ang usapan sa edukasyon — at doon na nga nagbitaw si Vice ng mga salitang tila may hugot!
“Dapat tanggapin ninyo ang boses namin. Sa mga panahong ito, hindi kayo dapat magalit o magtampo ‘pag sinasabi namin ito.”
Dagdag pa niya, “Dahil katulad ng sinabi niya (contestant), ang edukasyon ay karapatan ng bawat isa at iyon ay obligasyon ng pamahalaan na ibigay sa mga mamamayan!”
Agad nag-trending ang pahayag ni Vice na marami ang nagsabing ito raw ay patama sa alkalde ng Bulusan, Sorsogon, na kamakailan ay umalma sa naging pahayag ni Vice tungkol sa “bulok na classrooms” sa kanilang bayan.
Ani Mayor Wennie Rafalco-Romano, “nakadulot ng kahihiyan” sa kanilang LGU ang mga sinabi ni Vice tungkol sa sira-sirang paaralan na tinulungan nitong ipaayos.
Akala ng marami, dedma na si Meme Vice matapos ang isyu. Pero ayan, sa kanyang pinakabagong on-air remarks, mukhang may pa subtle clapback ang Unkabogable Star, huh! Hindi man siya nagbanggit ng pangalan e, ramdam ng madla ang tono ng kanyang kuda! So, kung tinamaan ka, e di guilty ka!
Yun na!
