By DELIA CUARESMA
Maagang tinapos ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang journey niya sa Netflix reality series na “Physical: Asia.”
Ayon kay Manny, na tumatayong team captain ng Team Philippines sa nasabing competition, may mabigat na dahilan kung bakit kailangan niyang mag-quit sa show. Ito raw ay ang kanyang obligasyon sa bansa.
“Gusto kong magpaumanhin na kailangan kong bumalik sa bansa ko kasi may obligation ako for the country,” sey ni Manny.
Dagdag pa ni Pacman, “Also, I just want to apologize to my team. ‘Yung talagang (goal ko was ) to show that Team Philippines (had) the capacity and capability. I really wanted to win the challenge and I’m just wondering what we’re gonna do for the next challenge.”
Proud daw siya na maging parte ng show at sana raw ay manalo ang Team Philippines na pinamumunuan na ngayon ng athlete na si Justin Hernandez.
Ayon sa usap, ang pagtakbo ni Manny para maging Senador noong nakaraang election ang sinasabing “obligasyon” nito.
Buwan ng February kasi nang i-shoot ang “Physical: Asia” na kasabay naman ng kampanya.
