By DELIA CUARESMA
OMG! Ano naman itong gulong kinasasangkutan ni Claudine Barretto!? Aba’y may kaaway na naman siyang bago!
Kamakailan lang ay pinaligaya niya ang mga fans matapos magpasabog ng magandang balita sa Instagram ukol sa namumuong pag-iibigan nila ni Milano Sanchez, kapatid ni Korina Sanchez. Pero mukhang wrong move! Aba’y may sigalot agad na kaakibat ang sitwasyon nila.
Apparently, may isa pang babaeng humahabol dito kay Milano at tila yata inookray nito si Claudine!
Siyempre pa, hindi siya aatrasan ng kontrobersyal na Barretto sister!

Sa isang post, agad pinatutsadahan ni Claudine ang isang nangangalang Patti na aniya e, “side chick” lamang ni Milano.
In bold letters ang caption ni Claudine kaya obvious na galit na galit siya sa girlalu!
Aniya: “Hi Patti. You really won’t stop? You were just his side chick then. You destroyed Rita & Milano. Rita was the girlfriend. You have & will always be the crazy, bitter side chick who can’t move on. Girl, you think you’re crazy? Harrassing us every single day and yet you are not done? You don’t know what crazy is. This will be my final warning. I wanted peace you want war. That I promise you I will give you. Just hope you can handle the heat. Oh, stop lying about Milano and stop calling! You’re insane.”
Siyempre pa, agad sumawsaw ang mga marites! Ang iba, kampi kay Claudine na anila dapat lang ipaglaban ang sarili. Pero may iba na tila hindi masaya sa nangyari. Anila, kung ganyan kagulo ang sitwasyon ni Milano e, dapat layuan na ito ni Claudine habang maaga pa.
Kaloka huh!
