Willie Revillame, magbabalik na sa TV!

Tempo Desk
1 Min Read

Nalalapit na ang pagbabalik ng Kuya ng bayan sa TV!

YEs, balik-TV na nga ang nag-iisang si Willie Revillame at magpapatuloy siya sa pagbibigay saya at ligaya sa milyon-milyong Pilipino mula Luzon, Visayas, at Mindanao sa bago niyang show, ang “Wilyonaryo.”

Sa inilabas na teaser video ng kanyang official Facebook account, makikita ang mga kahon na may mga lumalabas na letra at kulay.

Sabi sa caption nito, “Sa bawat letra at kulay, may swerteng magpapabago ng buhay!”

Mapapansin na rin na nagbagong mukha na ang “Wowowin” Facebook page kung saan “Wilyonaryo” na ang profile picture at cover photo nito.

Sa comment sections ng mga bagong posts nito, damang-dama ang excitement sa muling pagbabalik ni Kuya Wil.

Wala pang ibang detalye tungkol sa “Wilyonaryo” pero inaasahan na ang nalalapit na pag-launch nito.

Share This Article