AiAi, suko na sa pag-ibig!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Mukhang graduate na sa love department ang Comedy Queen na si AiAi Delas Alas!

Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” diretsahang inamin ni AiAi na sumuko na nga siya pagdating sa pag-ibig.

Aniya, ito ay dahil na rin sa anak na si Sancho na tila baga nawalan na rin diuamno ng pag-asa para sa kanyang ina.

“Usually kasi si Sancho, parati ‘yan, ‘Ma, hindi laban ka. Malay mo dumating ‘yung magmamahal sa’yo,’ ganyan. Ngayon, sinasabi ni Sancho, ‘Tama na, Ma. Finish na,’” kuwento niya.

As to her controversial breakup with ex-husband Gerald Sibayan, aminado rin si AiAi na nasa moving on stage pa rin siya.

“Tina-try kong mag-move on. Pero hindi pa siguro ‘yung totally healed na healed. Minsan naaalala ko pa rin, minsan naiiyak pa rin ako. Pero nandoon na ako,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “Kumbaga 80%, medyo okay na ako.”

80%? Not bad! Mas mataas pa ‘yan kaysa sa grade ko sa Math noong high school. Char!

Pagbabalik-tanaw ni Ai-Ai, nabigla raw talaga siya sa mga nangyari between her and Gerald.

“Parang kumbaga sa tugtog, wala sa tiyempo. Kasi hindi naman kami nag-aaway, wala naman kaming pinag-awayan. Basta na lang ‘ayoko na, alis na ako.’”

At oo, totoo na binawi niya ang green card ni Gerald. Pero pagklaro ni Ai-Ai, hindi ito dahil sa galit.

“Nu’ng una, ayoko talagang gawin ‘yun. Pero bandang huli, parang ‘yun na lang ba ‘yung ganti para sa sarili ko na nasaktan,” chika niya.

Ngayon, kahit nasa proseso pa rin ng pagmo-move on, at peace na raw si Ai-Ai.

Hirit niya: “Pain was my teacher, and healing is my revolution.”

Wow, huh! Poet na ang lola mo!

Share This Article