By ROWENA AGILADA
Ready na maging misis si KC Concepcion. Pero waiting pa rin siya for Mr. Right. She wants someone na alam kung paano siya mamahalin.
‘Yan ang sabi ni KC mismo sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan. Aniya pa, gusto niya ang lalaking maalaga, protective at lalaking-lalaki.
Para matupad ang pangarap, ani KC, gumagawa siya ng videos, visualizing her future husband.
“I know he’s just there waiting for me,” aniya pa.
Naglabas ng sama ng loob
Affected much si Marjorie Barretto sa mga pahayag ng kanyang mommy Inday Barretto sa interbyu nito with Ogie Diaz.
Sa kanyang IG post, sinabi ni Marjorie na nagulat at nasaktan siya na pinalabas ng mommy niya na hindi sila in good terms. E, araw-araw daw ay magkasama sila noong nasa ospital ang kanyang Kuya Mito hanggang namatay ito. Maski noong burol nito, hanggang inurment.
Feeling ni Marjorie, ginawa na naman siyang damage control para linisin ang pangalan ng bunso nilang kapatid. Although, wala siyang binanggit na pangalan, tukoy naman na si Claudine ‘yun.

Nilinaw din ni Marjorie na taliwas sa pahayag ng ina, imbitado ito parati sa
kanilang family gatherings. Pero sinasabihan daw siya nito na huwag siyang magpo-post ng pictures dahil baka raw ma-upset sina Gretchen at Claudine.
Ang mommy din daw nila ang nakiusap sa kanya na huwag siyang makipagbati kina Gretchen at Claudine para hindi siya ma-left out.
Ayon pa kay Marjorie, never siyang nagbigay ng problema sa mga magulang niya. At dahil du’n, siya ang least favorite child.
Ang mensahe niya sa ina: “Instead of looking for affection and protection from you, I will pour all of my energy into being the best mom to my children. I am not a perfect mom,but they can trust me.”
