Ivana Alawi, sakit sa ulo?

Tempo Desk
1 Min Read

By DELIA CUARESMA

Naku, walang tigil ang bagong chismis ukol kay Ivana Alawi! Ayon sa kumalat na blind-items na obvious naman na siya ang pinatatamaan e nagdulot daw ng sakit sa ulo itong si Ivana sa production ng “Shake Rattle & Roll: Evil Origins” to the point na na-frustrate nga raw to the max ang staff and crew pati na ang mga kapawa artista sa “attitude” ng seksing aktres!

Ayon pa sa tsismis e, humahaba ang shooting dahil kay Ivana na madala mag-inarte! Ang siste pa e, malakas diumano ang loob nito dahil ang “alleged billionaire boyfriend” raw niya ang producer ng pelikula kaya hindi siya tinutuligsa!

Finally, lumabas kamakailan ang opisyal statement mula sa Regal Entertainment, Inc. at mariin nilang itinanggi na may ganung pangyayari.

Ayon sa kanila: “The film’s production proceeded smoothly and wrapped on schedule, with Ms. Alawi demonstrating utmost professionalism and dedication throughout.”

Paglilinaw pa nila: 100% produced at financed ng Regal ang pelikula, hindi ng sinumang “billionaire boyfriend” ni Ivana.

So, ang conclusion? Well, obviously mga besh, umariba na naman ang mga haters ni Ivana.

TAGGED:
Share This Article