Archie Alemania, guilty sa kasong isinampa ni Rita Daniela!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Guilty ang hatol sa aktor na si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng aktres-singer na si Rita Daniela.

Ayon sa hatol, haharap si Archie sa hanggang isang taong pagkakakulong.

Pinagbabayad din siya ng 20,000 pesos civil indemnity at 20,000 pesos moral damages.

Masaya sa naging desisyon ng korte ang abogado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

“Rita fought and she attained justice,” maikli pero malaman niyang pahayag.

Matatandaan na nagsimula ang gusot noong Setyembre 2024 sa thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa teleseryeng “Widows’ War.”

Dumating si Archie na diumano’y tipsy na at kung anu-anong bastos na biro raw ang pinakawalan sa kawawang si Rita.

Nang pauwi na ang aktres, nagpumilit daw itong si Archie na siya na ang maghatid sa aktres.

Ayon sa salaysay ni Rita, sa loob ng sasakyan ay nagpatuloy sa pambabastos si Archie.

At one point daw e, biglang hinipuan daw siya nito at pinilit hagkan.

Matapos magsampa ng reklamo ni Rita, nag-submit naman ng counter-affidavit si Archie para itanggi ang paratang.

Sa bandang huli, ang kaso ay naging patunay na “no” means “no,” not “later,” or “just keep on trying.”

Samantala, tahimik pa rin si Archie habang sinusulat namin ito.

Share This Article