Nasaan si Papa Derek?

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Trending na naman sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa social media!

Aba’y hindi mapigil ang mga netizens na pagusapan sila matapos ngang i-post nitong si  Ellen sa Instagram ang videos and photos na kuha sa bonggang first birthday party ng anak nila na si baby Liana!

Makikita ang super aesthetic na setup: Pastel balloons, rainbow cake na pang-Pinterest, at mga bulaklak na mas fresh pa sa morning face ni Ellen.

Dumalo ang kanyang mommy, mga kuya, si Elias (anak niya kay John Lloyd Cruz), at BFF na si Beauty Gonzalez.

Pero may napansin ang Marites Nation! Waley si Derek!

As in, nada. Walang cameo sa kahit anumang photo o video. Ni walang selfie with the celebrant. Walang kahit anong “Papa moment.”

Siyempre, nagkagulo agad ang mga utaw:

“Hala! ‘Di ba dapat andun si Derek? Unang birthday ng anak ‘yan, besh!”

“Baka nag-away na naman? Pero charot, baka may taping lang.”

“Ang saya ng party, pero may kulang… si Papa Derek!”

Pero hindi naman totally nawala sa eksena si Papa D.

Nag-post siya sa IG ng heartfelt message para kay baby Liana:

“Watching you grow this past year has been the greatest joy of my life…”

May mga netizens na napa-“awww,” pero meron ding napa-“hmm.”

“Bakit love letter na lang ang kaya ngayon?”

“Sayang, mas cute sana kung andun silang buo!”

Hanggang ngayon, tikom pa rin ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Pero kung basehan ang chika radar ng mga netizen, mukhang patuloy ang tahimik na bagyo sa Ramsay-Adarna household.

Oh, the drama!

Share This Article