By DELIA CUARESMA
Matapos ang ilang araw na paandar na hulaan eme, kumpirmado na nga!
Ang Phenomenal Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo ay gagawan ng wax figure ng Madame Tussauds Hong Kong!
Sa 2026 pa ito lalabas, kaya may dalawang taon pa tayong maghanda — emotionally, spiritually, at politically.
Char!

Ayon sa Madame Tussauds: “The countdown is over!” Pero sa social media, parang nagsisimula pa lang ang countdown to meltdown dahil may ilang fans na tila hindi masaya about it.
Ito nga ay dahil sa patuloy na pananahimik ni Kathryn sa pressing political issues ng bansa.
May ganun? Naku, baka matunaw hindi sa oras ang wax figure, huh! Hindi dahil sa init ng spotlight, kundi dahil sa pressure!
Mas magugulat ang ilan kung ito na ang magsalita tungkol sa mga issue na tila baga iniiwasan ni Kathryn.
Yes besh, patuloy ang ilan sa pagsasabi na medyo tone deaf daw si Queen Kath: tahimik sa politika, pero todo gising kapag career ang topic.
Ang amin, baka naman ‘yun talaga ang sikreto ng “preserved beauty” — walang pakialam sa ingay, steady lang, parang wax na hindi natitinag sa apoy.
‘Yun na!
