By DELIA CUARESMA
Grabe ang mga kinakalat na malisyosong tsismis patungkol kay Jillian Ward mga besh!
Pati nanay ng aktres, dawit!
Aba’y mantakin mo ibinebenta raw nito ang sariling anak resulta ng kanilang lavish lifestyle??!!
Wow, grabe to the max huh!
Hindi na nga nakatiis itong si Jillian. Kamakailan e, lumabas siya sa “Fast Talk With Boy Abunda,” upang pabulaanan ito.
Eemosyonal na inilahad ng aktres na labis siyang nasaktan sa tsismis mga besh!

Ayon kay Jillian, apat na taon na niyang tiniis ang mga gawa-gawang kwento tungkol sa kanya. Pero ngayong nadadamay na ang pamilya, hindi na siya mananahimik.
“Enough na po,” mariing sabi niya sa mga balahurang nagpapakalat ng maanghang na fake news.
“Siyempre nakakabastos po ‘yun sa mother ko,” halos maiyak na sabi ni Jillian. “Iniisip ko rin po ‘yung fifteen years of hard work ko, parang tinatapon lang nila lahat ‘yon dahil sa fake news. Sobra po ‘yung disrespect.”
Oo nga naman.
Matagal na nagtatrabaho si Jillian. Bata pa lamang e artista na ito. At patuloy siya sa pagpupursige ngayong ganap na siyang dalaga.
Siguro naman sa tagal ng panahon e may ipon na siya at may karapatan bumili ng kung ano mang luho na magustuhan niya!
Hindi lahat ng batang mayaman sa achievements ay may sponsor, ‘noh!
Minsan, may nanay lang na masipag, at anak na matalino at masipag din.
So sa mga nagkakalat ng chismis — maghunos dili kayo!
