By DELIA CUARESMA
Hindi pa man umaabot sa Pasko, maaga nang nagpasabog ng fireworks ang showbiz universe, salamat sa walang preno at walang filter na panayam ni Mommy Inday Barretto kay Ogie Diaz sa YouTube.
Sa loob ng halos isang oras na interview, binalikan ng Barretto matriarch ang mga pinagdaanang hirap diumano ng anak niyang si Claudine sa kamay ng dating asawang si Raymart Santiago. At tulad ng inaasahan, trending agad ito.
Ayon sa datos, umabot ng mahigit 871,000 views sa loob lamang ng 21 oras ang nasabing video. Marami ang naaliw, marami rin ang nainis. May nagsabi pa sa comments: “Grabe, parang teleserye pero real life edition!”
Pero teka, hindi rin nagpalamon sa katahimikan si Raymart, huh!
Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na sina Atty. Howard Calleja at Atty. Katrin Jessica Distor-Guinigundo, naglabas siya ng official statement.
Sabi nila:
“It is very unfortunate that Mrs. Barretto opted to resort to publicity to spread this untruthful and slanderous narrative about our client…”
Wait, there’s more.
Dagdag pa nila, ang ugat daw ng kaguluhan ay isang conjugal land na ibinenta ni Claudine tatlong taon na ang nakalipas “absent the knowledge and consent of our client.”
‘Yun na nga fren, may pa-plot twist si Raymart!

Hindi rin nakalimot ang mga abogado na magbigay ng gentle-but-deadly reminder:
“There is an existing Gag Order issued by the Family Court, Branch 5 of Mandaluyong City… which our client has faithfully complied with, having kept his peace all these years.”
In short: Tahimik ako, kayo rin dapat!
At syempre, may final warning pa:
“Let this be a final warning that any utterances in contravention of the law shall be dealt with before the appropriate forum.”
Kulang na lang title, pelikula na!
‘Yun na lang kaya gawin nila ng mabuhay muli mga karera nila? Char!
