Mommy Inday Barretto may pasabog laban kay Raymart Santiago!

Tempo Desk
3 Min Read

By DELIA CUARESMA

Kung akala mo tapos na ang drama ng Barretto family, aba e, hindi ka nagiisa. Akala ko rin.

Char!

Sa kabila ng pananahimik ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine, lumabas ang family matriarch na si Mommy Inday para maglabas ng higit pa sa sama ng loob laban sa son-in-law na si Raymart Santiago.

Siyempre pa, ginawa niya ito sa sikat na vlog ni Ogie Diaz.

Aniya e, baka sawa na raw ang mga manonood sa mga anak so this time, siya naman ang bibida.

Yes,sa edad na 89, buo pa rin ang tapang ni Mommy Inday!

Sa panayam, muling binuksan ni Mommy Inday ang lumang kaban ng mga alaala at mga sugat relating to Claudine and Raymart.

Hindi na namin iisa-isahin, dahil masalimuot, magulo at sobrang haba!

To be honest, habang pinapakinggan ko siya, hindi ko alam kung maiiyak ako, matatawa, o mapapailing na lang sa dami ng pasabog — lahat patama kay Raymart!

“Do not judge the book by its cover,” panimula ni Mommy Inday, sabay sumbat ng mga salitang may halong sakit at pagod.

Ayon sa kanya, taliwas sa magandang imahe ni Raymart, hindi lang nito sinaktan physically ang anak kundi niyurakan pa ang dignidad!

Habang ikinukuwento niya ang mga “seven sorrows” ng kanyang buhay — mga iyakan, sigawan, at mga tagpong parang teleserye — hindi mo maiwasang mapaisip: paano nagbago ang kuwento mula sa isang fairytale wedding tungo sa ganitong trahedya?

Diin ni Mommy inday, palabas lahat ang mga iyon.

“He married her because she was Claudine Barretto,” aniya, “and dropped her when she stopped being one.”

Ouch.

Pero sa gitna ng lahat, may halong pagtataka. Bakit ngayon lang? At paano nakayanan ni Mommy Inday itago ang ganitong mga kwento nang ilang dekada?

“I want to have a voice that I kept all the time,” aniya kay Ogie — sabay tawa, sabay buntong-hininga.

Hindi ko alam kung drama lang ito, closure, o isang huling pagsigaw ng ina para sa anak.

Pero isang bagay ang talagang malinaw dito: Kahit gaano katagal na ang sugat, kapag nanay ang nasaktan, hindi talaga iyon tuluyang naghihilom.

Tama ba, mga mars?

Share This Article