By DELIA CUARESMA
Mukhang hindi pa tuluyang tapos ang kwento nina Chie Filomeno at Jake Cuenca.
Aba’y pinagpipyestahan naman ngayon ng mga netizens ang bagong paandar ni Chie sa Instagram!
Sa isang bagong post nito lamang Biyernes, October 17, ibinahagi ng aktres ang isang very chic na photo niya habang chill na nagkakape. Pero, take note, ang caption, may alat!
“It’s your sad boi era, I’m in my healing era,” aniya.
Aba, kahit hindi man ito direktang patama, parang may kasama pa ring latay!
Hindi man binanggit ni Chie ang pangalan ni Jake, halatang may pinaghuhugutan ang mga binitawan niyang salita.
Lalo na nga’t sinabi pa niya na, “I didn’t want to teach him how to love me — that’s unfair, so unfair for both of us…”

O, diba? Hugot kung hugot! Aping-api baga!
Pero teka, hindi lang daw sa ex may banat ni Chie. May “so-called friend” pa siyang tinukoy, Ito raw ‘yung tipong alam naman ang totoong pinagdaanan niya pero mas piniling “mag-traydor” at ginamit pa ang internet para sirain siya.
Ouch!
“We deserve so much better,” sey pa ng dalaga patungkol sa naunsyaming relasyon, sabay kabig at hirit na pinaninindigan lamang niya ang sarili dahil nga ayaw na niyang magpaapi.
Despite the drama, Chie insisted that “life is still good,” sabay pasalamat sa mga totoong taong nasa likod niya.
But take note: Nag-comment si rumored third party Matthew Lhuillier ng American flag emoji dito, huh!
Walang kiyemeng sinagot naman ito ng airplane emoji ng dalaga.
Smooth but quite telling, kung kami ang tatanungin.
Char!
