‘Bubble Gang’ at 30, star-studded!

Tempo Desk
3 Min Read

By JUN NARDO

Masasaksihan na ng mga fans sa wakas simula ngayong gabi ang pinakahihintay
na 30th anniversary special ng iconic gag show ng GMA na “Bubble Gang.”

Ayon kay Michael V. e, hindi ito dapat palagpasin dahil hitik liglig ang hatid na surpresa at saya ng show. Hinikayat nga niya ang marami na maging saksi sa once-in-a-lifetime event na ito.

Take note na magsisilbing reunion ng OG cast ang event.

At star-studded din nga na maituturing ang palabas dahil sandamakmak ang mga
celebrity guests na lalahok, huh!

Ilan sa mga ito ay pawang mga bigating pangalan sa industriya katulad na lamang nina Vice Ganda, Ogie Alcasid, Ai Ai de las Alas, Ara Mina, Esnyr, Kelvin Miranda at
Jillian Ward.

Ani Ogie sa amin e, “napakasaya” ng kanilang kulitan sa show na very “nostalgic” din ang experience for him.

Ayon sa mga reports, mapapanood sa special ang ilan sa mga patok na segments ng show pati na ang mga special characters katulad nina Mr. Assimo, Boy Pick Up,
Antoinetta at ang Ina, Besprens, at Ang Dating Doon.

Ibabalik rin pati na ang mga bagong skits na A Day In The Life of Eva, Agresibo,
Lulu Delulu at Super Mamshie.

Matutunghayan din sa show ang pagbabalik ng mga OG sexy stars na sina Diana
Zuburi at Sam Pinto.

The special episode will air in two parts: Oct. 19 and 26 only on GMA.

Walang humpay!

Patuloy ang mga walang magawa sa pag-atake kay Heart Evangelissta sa social
media.

Of late, ang pinuna naman nila ay ang isang post kung saan makikitang may suot
na magarbong singsing si Heart.

Agad itong prinesyuhan ng mga walang alam sa singsing. For sure raw e, milyones
ang halaga ng singsing dahil very rare diumano ito.

May isa pang expert kuno na nagsabing malamang daw e ranging from 500,000
pesos to one million pesos ang naturang singsing.

Naku, huh! E ano naman? May pera naman si Heart at kaya niyang bilhin ang
nasabing singsing!

Mabuti na lang na kesa bigyang pansin ang mga negatron sa social media, ay
nananatiling tahimik si Heart.

Ang positive reactions na lang ang pinag-aaksayahan ng oras ni Heart, ‘no!

Share This Article