Bea Alonzo, buntis nga ba?

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Mainit na pinagchichismisan ngayon sa social media ang Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos mapansin ng mga netizens ang tila umbok sa kanyang tiyan sa isang TikTok video kasama ang boyfriend niyang si Vincent Co.

Sa nasabing video, makikitang papasok si Bea sa isang bahay suot ang all-white OOTD, habang sinasalubong ng kanyang mga staff para sa isang surprise birthday celebration. Habang kumakaway at tumatawa ang aktres, napansin ng ilang marites online na tila “may kakaiba” raw sa kanyang katawan — partikular na sa bandang tiyan at balakang.

“Parang preggy na siya,” komento ng isang netizen.

“Bakit parang may baby bump?” dagdag pa ng isa.

May nagsabi rin na baka raw kasal na ang dalawa sa ibang bansa at ang kasalang nakatakda sa susunod na taon ay “for formality na lang.”

Naku ,huh! May Baby Puregold na agad??! Kaloka!

Bukod sa mga hinala, marami rin ang natuwa sa masayang aura ni Bea.

“She looks so fresh and glowing! Iba talaga pag in love,” ayon sa isang comment.

“Ang ganda ng energy nila ni Vincent. Parang sobrang happy siya,” dagdag pa ng isa.

Sa ngayon, tikom pa ang bibig nina Bea at Vincent tungkol sa isyu. Wala pa silang opisyal na pahayag ukol sa mga haka-hakang buntis umano ang aktres.

Matatandaang kamakailan lang ay madalas makita si Bea na low-key at mas tahimik sa social media, dahilan para mas lalo pang umingay ang mga espekulasyon.

Preggy rumors man o hindi, agree ang netizens sa isang bagay: masaya, blooming, at finally at peace si Bea Alonzo — amen!

Share This Article