Anne Curtis, nauubos na ang pasensya!

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Mainit na usapan ngayon sa social media ang matapang na pahayag ng aktres na si Anne Curtis ukol sa pagkadismaya niya sa tila kabagal-bagal na aksyon ng Senado kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa kanyang Instagram story, nag-post ang “It’s Showtime” host ng art card mula sa Follow The Trend Movement (FTTM) na nagsasabing “42 days since hearings on flood control project started. Wala pa ring napapanagot.”

Hindi na nakapagpigil ang actress at nagkomento ng diretso at may halong inis: “‘Ung Totoo? Ano naaa po?”

Maraming netizens ang agad sumang-ayon sa kanya, sabay puri sa katapangan ni Anne na muling nagsalita laban sa katiwalian.

“At least may celebrity na hindi takot magtanong!” wika ng isang follower.

Hindi pa rito nagtapos si Anne—sa isa pa niyang IG post, idiniin niya ang karapatan ng bawat taxpayer na malaman kung saan napupunta ang kanilang pinaghihirapang buwis.

“We all work hard… yet many still suffer from flooding and hardships,” ani ni Anne.

Dagdag pa niya, panahon na raw para gamitin ng lahat ang kanilang boses upang wakasan ang korapsyon sa bansa.

“It’s time we use our voices to END CORRUPTION para sa mga anak natin at sa future generation of Filipinos.”

TAGGED:
Share This Article