By DELIA CUARESMA
Aminado si Fyang Smith na napagsasabihan siya ng Star Magic tungkol sa mga reklamo sa kanya.
Ito ay matapos kumalat ang sentimyento ng karamihan about her sa social media, kasama na nga rito ang diumano paglaki ng ulo niya, pagiging mahilig sa boys, at pagiging bastos sa mga kasamahan, artista man o hindi.
Ani Fyang sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, pinagsasabihan raw siya palagi ni Lauren Dyogi, head ng Star Magic na ayusin ang sarili.
“Hindi naman sila galit [palagi], pero pinagsasabihan [ako] para i-correct ang wrongdoings ko,” sey ng aktres.

Diin niya, karamihan sa inaakusa sa kanya ay totoo pero nakaraan na ito at nagbago na siya. Nguni’t pilit lang daw talaga ibinabalik ng detractors niya.
“Past ko na ‘yun eh, tapos binabalik ng mga tao… Mali ko talaga ang mga nangyari sakin before and inaamin ko naman ‘yun kay Direk Lauren. Every time kapag pinapatawag ako, na-adapt ko po ‘yung mga sinasabi niya [at] pumapasok naman po sa utak ko,” sey pa niya.
“‘Yung masama ugali ko, attitude, lalakero, lumaki ang ulo, ganyan, paulit-ulit na lang…pero sakin sa pagkakamali ko, ang sasabihin ko is, hindi ako anghel at hindi rin naman ako demonyo. Hindi ako perfect,” diin niya.
Bagamat madalas siyang ma-bash online, positibo pa rin ang pananaw ni Fyang: “Merong criticism in a nice way so I take them as constructive, kasi ‘yung iba talaga, may sense ang sinasabi.”
“Every time na nakakabasa ako n’un, tinutuldukan ko talaga…tine-take ko na lang siya as constructive and para sa ikabubuti ko naman ‘yun,” aniya pa.
