By JUN NARDO
Huge challenge para kay Andres Muhlach ang gampanan ang character ni Adie sa “Bagets: The Musical.”
Siyempre naman dahil sa same role nakilala ang kanyang amang si Aga Muhlach na gumanap bilang Adie sa classic 1984 film version nito.
Pangungunahan ni Andres ang stage adaptation ng “Bagets” na magbubukas next year.

For sure, puspusan ang preparation niya para sa role. Baka nga naman maikumpara sa ama e, mabuti na ang comparison would be in a good light, huh!
Ilan sa makakasama ni Andres sa musical ay sina Noel Comia Jr., Jeff Moses, Tomas Rodriguez, Ethan David at iba pa.
Maging ang alternates sa mga roles ay napili na rin. Ilan sa mga bibida ay bihasang miyembro ng banda o di kaya singer on their own right. Ang iba naman ay may pinatunayan na bilang stage actors. Wala pang announcement ukol sa supporting cast sa ngayon.
Sa pelikulang “Bagets” sumikat sina Aga, Herbert Bautista, Raymond Lauchgco at JC Bonnin.
Dahil sa pelikula, lalong tumingkad ang karera ni William Martinez.
Ang pumanaw na si Maryo de los Reyes ang nagdirek.
Makabuluhang palabas!
Isang fundraising concert ang binuo ni Dr. Carl Balita kasama sina Isay Alvarez at Vehnee Saturno upang maghandog ng tulong para sa biktima ng lindol sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Tatlumpu’t tatlong artists ang kusang loob na nag- volunteer para maging bahagi ng event billed as “Padayon Pilipinas.”
Hindi ito ang unang konsyerto ng grupo. Matatandaang nung pumutok ang Bulkang Taal, nagsagawa rin sila ng fund raising concert na “Tulong Taal” na nakalikom ng P1.4 million!

Ilan sa artists na bahagi ng “Padayon Pilipinas” ay sina Bayang Barrios, Chad Borja, Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Frenchie Dy.
Si Saturno ang gumawa ng kantang “Padayon Pilipinas” at soon ay magiging available na ito sa Youtube at Spotify.
“Padayon Pilipinas” is supported by Dr. Carl Balita Review Center, Mekeni, Chef Bowl of Rice at marami pang iba.
Gaganapin ang “Padayon Pilipinas” sa Fr. Peter Yang SVD Hall sa St. Jude Catholic School, 327 Ycaza St. San Miguel, Manila.
Sa noble cause na ito, masisiyahan ka na, makakatulong ka pa!
Mabuhay ang organizers!
