By JUN NARDO
Mukhang hindi na mangyayari na magsama-samang muli sa isang TV show or movie man ang “Palibhasa Lalake” alumni na sina Joey Marquez, Richard Gomez at John Estrada.
Ayon kay John, busy na masyado ang kanyang dating show buddy na si Richard sa mundo ng politika sa ngayon.
E, si Joey? “Naku!Pa-retire na,” sambit ni John sabay halakhak!

Si John e, katatapos pa lang guesting sa series ni Coco Martin. Kaya naman nang i-offer sa kanya ang digital sitcom ng Puregold na “Si Wais at Si Eng Eng,” umo-o siya kaagad lalo na at balik tandem sila ng komedyanteng si Long Mejia na matagal na din niya nakakasama.
Pagbibida ni John kay Long, “Si Long ang pinakamagaling na komedyante sa kanyang henerasyon. Magsasabi lang ako ng sitwasyon na eksena namin, may naiisip agad siyang gawin! Mabilis mag-isip at nakakatawa talaga!”
Nabuhay nga ang John-Long comic duo sa Puregold series na every Friday mapapanood sa Youtube at Facebook channels.
At bilang dagdag pampagana, kabilang din sa sitcom ang mga seksing girls katulad ni Kim Rodriguez!
Sa series din mapapanood ang komedyanteng si Leo Bruno na sa social media nadiskubre ang galing!
Mixed emotions
Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ni Ogie Alcasid ng mag-guest siya sa 30th year ng gag show na dati niyang sinalihan, ang “Bubble Gang.”
Namatay na kasi ang dating direktor ng show na si Uro dela Cruz na una niyang na-miss noong umapak siya sa set ng show. Although natuwa din siya dahil nandun pa rin ang writers at OG cast gaya ni Michael V.

“Ang maganda, pati mga bago magagaling! It was so nice to be back on the show. Panoorin ninyo ano ang kalokohan namin ni Bitoy(Michael V) doon,” sambit ni Ogie sa mediacon ng 9th editon ng “Q & A” concert nila ng singer-composer na si Odette Quesada.
Speaking of, mas malaki ang venue ng “Q&A” this time dahil sa Mall of Asia Arena ito gagawin sa November 7.
Ayon kay Ogie mas maraming OPM songs ang handog nila at hoping si Ogie na magkaroon sila ng collab song someday ni Odette na aniya e, “idol” niya lalo na pagdating sa songwriting.
Mula sa production ng A Team, NY Entourage at Sharon, ang concert ay sponsored by Rebisco, Katinko, Mango Tree, McDonald’s , Mogu Mogu at available na sa SM Ticketnet at SM MOA ang tickets!
Aba kung 9th concert na ng “Q&A,” this must be something to watch!
Bongga!
