BINI: Walang pagsubok na uurungan

Tempo Desk
2 Min Read

BY DELIA CUARESMA

Bibida ang katatagan at determinasyon ng nation’s girl group na BINI na pinatunayang wala silang pagsubok na uurungan sa harap at likod man ng entablado sa mid-season episode ng “BINI World Tour Stories” na eksklusibong napapanood sa iWant.

Tampok sa episode kung paano hinarap nina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang matitinding pagsubok on and off stage, mula kaba at stress hanggang dysmenorrhea, pagkahilo, pagsusuka at pati na rin pagkahimatay sa ilang shows.

Bibida rin ang hindi nila pagsuko sa pagsubok na kinaharap sa Washington D.C. at kung paano sila nanatiling matatag para makasama ang Blooms hatid na rin ng kanilang dedikasyon at paniniwala na “susuka pero ‘di susuko.”

Mapapanood din sa mid-season episode ang iba pang candid moments ng BINI members tampok ang walang filiter nilang buhay sa ginanap na “BINIverse World Tour 2025,” sa Dubai (United Arab Emirates), London (United Kingdom), at sa iba’t ibang lungsod sa North America gaya ng Toronto (Canada), Washington D.C., Hollywood, at Las Vegas (United States).

Samantala, gaganapin naman ang inaabangang “BINIfied” concert ng nation’s girl group sa The Philippine Arena sa Nobyembre 29 (Sabado) tampok ang pasabog na special performances at song hits ng BINI.

Kamakailan ay gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang Filipino group na makakapagtanghal sa Coachella 2026 kung saan makakasama nila ang iba’t ibang global music acts tulad nina Sabrina Carpenter, Justin Bieber, at Karol G.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng makulay na paglalakbay ng BINI sa “BINI World Tour Stories” na eksklusibong mapapanood sa iWant tuwing Linggo, 8pm (PHT).

Share This Article