Carla Abellana, high school ex ang bagong jowa?

Tempo Desk
2 Min Read

By DELIA CUARESMA

Mga Marites, kapit-bisig at kapit-tea dahil may throwback romance na nagaganap!

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, ibinida niya ang chika tungkol kay Carla Abellana at sa isang mystery guy na supposedly e nagpapasaya ngayon sa puso ng Kapuso actress!

At get this, ex niya raw ito noong high school!

Yes, mga beshies, parang high school love story na may sequel!

Ayon kay Mama Ogs, doktor daw itong si mystery man — at hindi basta-basta, kundi chief medical officer pa ng isang private hospital sa Quezon City. Chinito, guwapo, at mukhang marunong magpa-stable ng vital signs…ng puso ni Carla!

Charot!

The relationship is going so well diumano na may usapang kasal na raw na magaganap pretty soon!

Pero bago pa kayo magpa-renta ng gown at mag-order ng cake, hold your bouquets muna! Ang usapang wedding ay chika pa lang, ayon kay Ogie — as in, hindi pa kumpirmado.

Kaya huwag munang magpa-book ng hair and makeup, mga sis!

Ang sigurado lang, matapos ang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez noong 2022, mukhang ready na si Carla to give love a second chance — this time, with her first love pa yata!

Aba, kung totoo man ‘to, love wins talaga — with medical clearance!

Charot!

Share This Article