By JUN NARDO
Beast mode to the max ang actress-TV host na si Toni Rose Gayda sa kumalat na fake news na namatay na umano ang ina niyang si Rosa Rosal!
Sa mga nakakakilala kay Toni Rose, hindi ito mahilig magtaray o mang-away pero tila hindi niya mapalagpas ang pagkakataon na ito.
Pinalagan ni Toni Rose ang balita na pinost pa niya sa kanyang social media account na agad namang ni-repost ng writer-director na si Armando Reyes.

May pangalang binanggit si Toni Rose. Aniya, “impostor” ang naturang tao na ginagamit ang pangalan niya para gumawa ng gulo. Sasampahan na nga raw niya ito ng kaso.
Bahagi ng post ni Toni Rose: “She (Rosa, her mom) is alive and kicking! Please help me bust this impostor!”
Samantala, humingi naman ng apology ang FAMAS na naglabas agad-agad ng art card tungkol sa pagkamatay ni Rosa.
Nakupo! Kumpirmahin muna kasi sa pamilya ng namatay bago i-anunsyo sa social media! Hayaan sila muna ang magsabi at huwag silang pangunahan!
‘Yun na!
Fan favorite returns!
Hindi maikakaila na paborito ng mga Pinoy ang “Shake, Rattle & Roll” series ng Regal Entertainment. Aba, nang ilabas ang teaser ng bagong edition ng “SRR” na “Evil Origins” e, trending agad at pinag-usapan online, huh!
Official entry ng Regal sa 2025 Metro Manila Film Festival ang “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins” na as per usual e, star-studded.

Pangunahing atraksyon ng “SRR” ang mga bigating bituin katulad nina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Carla Abellana at iba pa!
New stories, new creatures at new thrills ang inyong mapapanood sa horror franchise na sinimulan ng yumaong Regal matriarch na si Mother Lily na ipinagpatuloy ng anak niyang si Roselle Monteverde at apo na si Atty. Keith Monteverde.
Mananakot muli simula sa December 25.
