Aiko Melendez, Jay Khonghun, split na!

Tempo Desk
1 Min Read

By DELIA CUARESMA

Akala ng lahat, sa altar na ang punta nina Quezon City Councilor Aiko Melendez at Zambales Rep. Jay Khonghun.

Sa Nobyembre kasi, walong taon na sana ang kanilang relasyon. Pero ayun, hiwalay na.

Si Ogie Diaz, manager ni Aiko mismo ang nag-anunsyo ng malungkot na balita sa kanyang vlog noong October 2.

Doon nga ay binasa niya ang opisyal na pahayag ni Aiko.

Ayon sa Konsehala, matapos ang apat na buwang “pagmumuni-muni,” napagdesisyunan nilang maghiwalay ni Cong. Jay.

At para malinaw daw: walang third party.

Ang twist dito, just last year lang e, todo-celebrate pa sila ng 7th anniversary nila sa BGC, proudly claiming na immune sila sa tinatawag na “seven-year itch.”

Oh well…nakakalungkot, kasi convinced na talaga ang mga faney na sila na ang endgame.

Sa statement, humiling ng privacy si Aiko.

Pagbigyan. Charot!

 

Share This Article