Shuvee, mala-superstar ang datingan!

Tempo Desk
1 Min Read

By JUN NARDO

Parang superstar na ang treatment kay Shuvee Etrata, huh!

No less than GMA execs ang todo tanggol sa bashing na tinanggap niya kaugnay ng paglabas sa old video kung saan suportado niya ang dating pangulo na si Digong Duterte, huh!

Nag-issue na nga ng public apology si Shuvee, aba, meron pang paandar na “respect” ang GMA exec, huh!

Kaya naman may mga faney na nagtatanong, bakit ‘yung ibang artists nila e, walang ganyang treatment gaya ng ginagawa nila kay Shuvee?

Sikat na sikat pa rin!

Patok pa rin sa fans ang Brazilian na si Leila Barros.

Si Leila ang nagpasikat ng larong volleyball sa bansa natin na ngayon ay tinatangkilik na sobra rito lalo na ang women’s volleyball!

After more than a decade, nagbalik sa bansa si Leila. But this time, isa na siyang senadora sa bansa nilang Brazil, huh!

Special guest si Leila sa 2025 FIVB Men’s Volleyball na host ang bansa natin.

Panalo ang Team Italy sa championship laban sa team Bulgaria.

Sa finals, inanunsyo ni Leila na sa 2029, Pilipinas din ang host ng 2029 FIVB Women’s Volleyball World Championship.

Naku, siguradong blockbuster ito dahil babae naman ang magbabardagulan sa volleyball!

Share This Article