By JUN NARDO
Damay si Heart Evangelista sa kontrobersyang naglalabasan ngayon hinggil sa mga anomalya sa gobyerno partikular na sa DPWH.
We can’t help but pity her. E kasi, wala naman siyang kinalaman doon!
Ang siste, ang daming bashers na pilit siyang isinasali sa isyu na wala man lang fact check, huh! Personal na nga ang atake, may pagbabanta pa, huh!
Sa aming mga taga-showbiz, hindi kami naniniwala sa paratang kay Heart. Matagal na naming kilala at nakakasama si Heart. At alam namin na nagkaroon ito ng pera dahil naging malaking artista siya! Pinaghirapan niya ang kinita niya!
Besides, anak mayaman si Heart and for sure, hindi naman ito pinabayaan ng magulang financially.
So, sana kilalanin muna siyang mabuti at ihiwalay sa political issues.
Pati nga pagbabayad ng tax, inuurirat kay Heart. Bakit daw hindi siya kasama sa top taxpayers hindi gaya ng ibang showbiz personalities.
May isa pa na humihirit na kesyo bakit daw mga mamahaling gamit ang ine-endorso nito.
E, kung meron ka namang pinagkakakitaan nang maayos na walang masyadong pagod, bakit ka magkakandakuba sa trabaho sa showbiz, huh?
Naku, lubayan nga ninyo si Heart!
May bago!
Naglabas ng bagong single ang singer na si Dwayne Garcia under Star Music. Ito ay ang “Para Na Muna” na obra ng award-winning composer na si Joven Tan.
Nais iparating ng kanta na magkaroon ng oras para tumigil, mag-isip at magmuni-muni sa buhay.

Upbeat ang song at bumagay kay Dwayne na isang Gen-Z. Swak na swak din ang sayaw niya para sa kanta.
Ang unang single ni Dwayne ay “Taym Pers Muna.”
E, kahit 15 years old pa lang, damang-dama kay Dwayne ang nais niyang iparating ng mensahe sa bagong kanta!
