By DELIA CUARESMA
Kung dati ay “Momay” at “Agua Bendita” ang tumatak sa isip ng manonood, ngayon ay ibang-iba na ang dating ni Xyriel Manabat.
Sa edad na 21 E, talaga namang dalaga na si Xyriel at ang mga kurba, pamatid uhaw na maituturing ng mga barako!
Pero may ilan na tila hindi matanggap na dalagang-dalaga na si Xyriel.
Ayaw nila na nagdadamit ito ng sexy at very revealing outfits.
May mga netizen nga na nagsasabi pa na “hindi bagay” sa kanya ang magpa-sexy!
Wow, huh!
Mabuti na lang marunong manindigan si Xyriel pagdating sa kanyang fashion choices.
Aniya sa mga bashers, “Mind your own business…wala akong ginagawang masama. Wala ring ginagawang masama ang body ko. Appreciative ako kasi binigyan ako ni Lord ng ganitong katawan.”

Well, tama nga naman. Hindi kasalanan ang magkaroon ng katawan na kaakit-akit. Kung ang simpleng suot ni Xyriel ay “too hot for comfort” para sa iba, malinaw na ang problema ay nasa mata ng naninilip, hindi sa dalaga.
Habang patuloy ang usapan tungkol sa kanyang hitsura, abala si Xyriel sa promo ng kanyang bagong pelikula, “The Last Beergin,” mula Cineko at Obra Cinema Productions sa direksyon ni Nuel Naval.
Showing na ito sa October 1, at tiyak na maraming makaka-relate dahil tungkol ito sa katotohanan at tomaan.
Pero diin ni Xyriel, “Umiinom lang ako with family and close friends tsaka alam ko limit ko. Pag nagsimula na ako dumaldal, tigil na ako.”
