Jessica Sanchez, wagi sa pangalawang subok!

Tempo Desk
1 Min Read

By DELIA CUARESMA

Muling pinatunayan ng Filipino-American singer na si Jessica Sanchez ang galing at husay ng Pinoy nang masungkit niya ang grand prize sa “America’s Got Talent” (AGT) Season 20.

Sa edad na 30, siya ang kauna-unahang nagbalik sa entablado ng “AGT” at nagkampeon matapos ang dating pagkatalo.

Unang sumali si Jessica sa inaugural season ng “AGT ” noong 2006 bilang 10-anyos at nakapasok hanggang semifinals.

Mas nakilala siya nang mundo ng maging runner-up sa “American Idol” Season 11 noong 2012.

Dalawang dekada ang lumipas bago siya muling bumalik sa “AGT,” na ginawa niya habang buntis sa unang anak.

Sa kabila ng pagdadalantao, tinulak siya ng Golden Buzzer ni Sofía Vergara hanggang sa grand finals, kung saan inawit niya ang “Die With a Smile” nina Lady Gaga at Bruno Mars.

“God placed me here for a reason,” ani Jessica matapos tanggapin ang $1-million prize.

Share This Article